Mas marami nang Marikeño ang gumagamit ng bisikleta para sa kanilang pagbiyahe, matapos tumaas ng 157 porsyento ang bilang ng mga siklistang naitala sa Marikina City sa 29,245 ngayong taon mula sa 11,363 noong 2025, ayon sa Bike Count na isinagawa ng Marikina City Bikeways Office.
Layunin ng Bike Count na masukat ang aktibidad ng pagbibisikleta at makalikom ng datos na magsisilbing gabay sa pagpapahusay ng active mobility network ng lungsod. Naitala nito ang dagdag na 17,882 nagbibisikleta sa loob lamang ng isang taon.Sa mas malawak na pitong araw na monitoring period, nakapagtala naman ang Marikina City Bikeways Office ng 67,428 nagbibisikleta, na resulta ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na isulong ang mas ligtas at mas accessible na transportasyon.
"Ang mga numerong ito ay positibong indikasyon na nagbubunga ang ating mga pagkilos at mga programa na nagsusulong ng mas ligtas at mayors na pagbibisikleta," wika ni Mayor Maan Teodoro.
"Asahan na ng mga Marikeño na lalo pa nating pagtitibayin ang mga programa at pasilidad para sa mas ligtas at maayos na pagbibisikleta sa ating lungsod," dagdag pa niya.
Sa ilalim ng pamumuno ni Teodoro, regular na nililinis at pinananatili ng Marikina Bikeways Office ang mga bike lane, kabilang ang pag-aalis ng mga dahon, lumot, at iba pang sagabal upang mapanatiling ligtas at maayos ang mga ruta ng mga nagbibisikleta.
Nagtatayo rin ang lokal na pamahalaan ng Marikina Active Transport Park sa Barangay Marikina Heights, na magkakaroon ng mga nakalaang espasyo para sa mga bisikleta at BMX, skateboard, roller skate, rollerblade, at non-motorized scooter.
Magsisilbi rin ang pasilidad bilang end-of-trip facility para sa mga nagbibisikleta, na magkakaroon ng mga palikuran, mga nakalaang lugar para sa mga stall, at mga espasyo para sa iba’t ibang aktibidad.
Naglalagay din ang lokal na pamahalaan ng mga bike rack sa mga paaralan upang magkaroon ng organisado at madaling mapuntahang paradahan ang mga estudyanteng nagbibisikleta papasok sa paaralan.











.jpg)

.jpg)

.jpg)
"Oral care should be proactive. By combining science-backed innovation with user-friendly products, we hope to make preventive oral care a lasting habit for Filipinos,” said Dr. Jitao Liu, usmile Chief R&D Scientist.
Here are usmile’s specialized solutions designed to meet different oral care needs and lifestyles:





