3rd dose ng AstraZeneca Covid-19 Vaccine pinataas ang tugon ng antibody laban sa OMICRON ayon sa datos ng patuloy na pagsusuri.

by - January 15, 2022

Lumabas sa isang naunang pagsusuri sa kaligtasan at immunogenicity na ang AstraZeneca COVID-19 Vaccine bilang BOOSTER/3rd dose, ay nagpapataas ng immune response o panlaban ng katawan sa Beta, Delta, Alpha at Gamma variants ng SARS Cov-2.

Sa isang hiwalay na pagsusuri, lumabas sa isang trial na tumaas din ang tugon ng antibody laban sa Omicron variant, matapos makatanggap ng BOOSTER shot o 3rd dose ng AstraZeneca COVID-19 Vaccine.

Ito ay naobserbahan sa mga taong nabakunahan ng AstraZeneca Covid-19 Vaccine bilang 3rd dose/BOOSTER na may primary dose ng mRNA.

Naobserbahan din ito sa mga taong nabakunahan ng AstraZeneca Covid-19 Vaccine bilang 3rd dose/BOOSTER na may primary dose ng AstraZeneca.

Napataas din ng AstraZeneca Covid-19 Vaccine 3rd dose o BOOSTER ang antibody ng mga nakatanggap ng 1st at 2nd dose ng Sinovac (CoronaVac), base sa isang hiwalay na Phase IV trial na nakalathala sa The Lancet. 1

Ang mga datos na ito mula sa patuloy na pag-aaral ay sumusuporta na gamiting BOOSTER shot o 3rd dose ang AstraZeneca Covid-19 Vaccine anuman ang brand ng natanggap na primary dose (1st at 2nd dose). 2,3

Isinusumite ang karagdagang datos na ito sa mga kagawaran ng kalusugan sa buong mundo dahil sa agarang pangangailangan para sa 3rd dose o BOOSTERS.

STATEMENTS

Sinabi ni Sir Mene Pangalos, Executive Vice President, BioPharmaceuticals R&D ng AstraZeneca, na napoprotektahan ng AstraZeneca COVID-19 Vaccine ang daang-daang milyong tao sa buong mundo laban sa COVID-19, at pinakikita ng mga datos na ito ang kahalagahan ng 3rd dose o booster matapos matanggap ang kahit anong brand ng paunang bakuna. Dagdag pa niya, patuloy nilang isusulong ang mga pagsusumite ng regulasyon sa buong mundo para sa paggamit ng AstraZeneca COVID-19 Vaccine bilang pangatlong dose o BOOSTER, lalo pa’t mataas ang proteksyong ibinibigay nito laban sa Omicron.

“AstraZeneca COVID-19 Vaccine has protected hundreds of millions of people from COVID-19 around the world and these data show that it has an important role to play as a third dose booster, including when used after other vaccines. Given the ongoing urgency of the pandemic and AstraZeneca COVID-19 Vaccine’s increased immune response to the Omicron variant, we will continue to progress regulatory submissions around the world for its use as a third dose booster.”

Sinabi naman ni Professor Sir Andrew J Pollard, chief investigator at director ng Oxford Vaccine Group mula University of Oxford na ang booster ay importante sa paglaban sa COVID-19. Ang mga bagong data na ito, kabilang ang karagdagang pagsusuri sa Omicron, ay patunay na ang AstraZeneca COVID-19 Vaccine bilang BOOSTER dose ay nagtatatag ng mainam na panlaban sa lahat ng mga variant, para sa nakatanggap ng AstraZeneca COVID19 Vaccine, o ibang brand ng primary dose.

“These important studies show that a third dose of AstraZeneca COVID-19 Vaccine after two initial doses of the same vaccine, or after mRNA or inactivated vaccines, strongly boosts immunity against COVID-19. The Oxford- AstraZeneca vaccine is suitable as an option to enhance immunity in the population for countries considering booster programmes, adding to the protection already demonstrated with the first two doses.”

Sa isang panayam noong Lunes, Enero 11, 2022, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, Adult Infectious Disease Expert SLH at Vaccine Expert Panel, DOST:

“May mga pag-aaral din, na ang 3rd dose (ng AstraZeneca Covid-19 Vaccine) ay maganda ang proteksyon. Yung tinatawag natin na neutralizing antibody na tumataas base sa pag-aaral, pag binibigyan ka ng 3rd dose ng AstraZeneca. So, maganda rin ang AstraZeneca na bakuna, dapat gamitin din. Kung available man ‘yan sa vaccination center, isa yan sa mga bakuna na mahalaga ang proteksyon specially against Omicron variant.”


 

You May Also Like

0 comments