32 entries, sasagupa sa grand finals ng World Slasher Cup 1
Nasa 32 entries ang nakatakdang magsagupa ngayong gabi para sa 4-cock grand finals ng 2023 World Slasher Cup 1 9-Cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum, matapos makaiskor ng mga kahanga-hangang panalo sa elimination ay semi-final round.
Pasok sa huling round ng torneo sina Antonio Celedio Jr., Ronald Barandino/Ayong Lorenzo, Patrick Antonio, Ayong Lorenzo, Neil Figueroa, PADZBARR, at Albert Dichavez matapos makapagtala ng tig-limang panalo at walang talo sa 2-cock elimination at 3-cock semis.
Malaki rin ang tsansa na masungkit ang kampeonato nina Ito Ynares, Ahjo Dimaano/Vince EMC Gobon, Fer Meneses/Teddy Tumang, Felix Sta. Maria, Jeff Hapon/Wilfredo Aga, Jonarie Fortaleza/Robert Santiago, Ronnie Perez, Erlim Azotea/Boyet Jullada/Joven Aguilar, BGC/DS, Ricky Magtuto, Jimmy Junsay/Rodel Ongmanchi, Nene Araneta, Biboy Enriquez, Ito Ynares/Patrick Mallare/R. Medina, John Seiner/Johnny Moore, Sheila Adajar, Jonjon Alegre, M. Pua/ L. Montenegro, Antonio/William, Danny Lim, Tom Hernandez, Justin Berin/Jeremy Berin, at Mario Siochi Jr. matapos umabante sa finals nang may tig-apat na panalo at isang talo.
Samantala, apat na entries naman ang hinirang na kampeon sa pre-finals na may tig-pitong panalo at dalawang talo matapos maipanalo lahat ang huling apat na laban sa round na ito. Ito ay ang 777 Million /Edman Gamefarm (James Atienza/Dodoy Diaz), Bucal Angry Birds (Walter Ozaeta/De Castro), LC Laiya/Steph Charles Resort 1 (Lito Cay/Joel Buisan), at ERMAKSA/ENER-G (M. Rocafort/E. Occidental/F. Dacara Jr.).
Sa mga nais na masaksihan nang live ang nasaning derby sa Smart Araneta Coliseum ay maaari po silang bumili ng ticket sa Ticketnet o di kaya sa https://www.worldslashercup.ph.
0 comments