Nandito na Ang “Mamamo”! Hatid ang Walang-Sawang Saya, Laro, Papremyo at Mas Pinabilis na Prepaid Fiber Internet ng Surf2Sawa
Pagkatapos ng matagumpay na Surf2Sawa dito rin sa QC noong April, muling naghatid ng walang-sawang saya, palaro at papremyo ang Surf2Sawa at Converge ICT noong Sabado, June 28, 2025, sa Quirino Elementary School, Anonas St., Project 2, Quezon City mula 7:00 AM hanggang 6:00 PM!
Sa mga nakaraang taon, kinilala ang Quezon City bilang isa sa pinakamabilis na umuunlad na lungsod sa hanay ng mga Highly Urbanized Cities sa bansa. Sa mahigit 3 milyong residente, ikinagalak ng Surf2Sawa na maihatid ang kasiyahan at abot-kayang koneksyon sa puso ng Metro Manila upang tuluyang mabigyang solusyon ang digital divide at masigurong konektado ang bawat pamilyang Pilipino.
Ang Surf2Sawa o S2S ay ang prepaid fiber internet plan na mura, unlimited, at walang kontrata. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa bawat tahanang Filipino, lalo na sa mga nanay, na mapanatiling konektado ang pamilya, makapagturo sa mga anak, at makapag-manage ng pang-araw-araw na gawain online. May bilis ito na umaabot hanggang 50 Mbps (mula sa 25 Mbps) at nagkakahalaga lamang ng ₱4.00 kada araw bawat user (hanggang 6 na devices ang pwedeng kumonekta). At dahil prepaid ang Surf2Sawa, nakakapili ang customers ng top-up options na angkop sa kanilang pangangailangan. Ngayong taon, inilunsad din ang bagong Surf2Sawa 999: sa halagang ₱999 lang, kasama ng installation ay makakakuha ka pa ng 30 days unlimited internet, sulit na sulit para sa buong pamilya!
Kasabay ng masayang selebrasyon ang dalawang nakapapanabik na pasabog: nangunguna ang official launch ng “MamaMo,” ang All-MAMA P-Pop girl group ng S2S na binubuo ng ating mga Fiberkads na sina Melai Cantiveros, Rochelle Pangilinan, Cheche Tolentino, Jopay Paguia-Zamora, at Sunshine Garcia-Castro. Ang “MamaMo” ay sumasalamin sa mga ilaw ng tahanan na siyang walang-sawang tumitindig para sa pamilya, at siya ring inspirasyon sa advocacy ng S2S na ma-empower ang bawat pamilya at tahanan na sumulong sa pang araw-araw.
“Hindi biro ang responsibilidad ng pagiging ina,” ani Melai Cantiveros. “Pero sa tulong ng Surf2Sawa at ng MamaMo, naipapakita namin na ang mga nanay ay hindi lang ilaw ng tahanan—kundi lakas din ng pamilya. Kaya naming kumilos, magsaya, at magbigay-inspirasyon habang patuloy na nagsusumikap para sa mga mahal namin sa buhay. Para ‘to sa lahat ng nanay na gustong maging konektado, empowered, at hindi sumusuko.”
Kaakibat nito ang kaabang-abang na special performance mula kay Fiberkads Yeng Constantino! Tunay na all-out ang Surf2Sawa para sa mga residente ng Brgy. Quirino.
Syempre, hindi rin nawala ang mga nakasanayang masayang activities tulad ng Zumba2Sawa, Banda Musiko, at ang inaabangang Dance2Sawa competition, kung saan 10 kalahok mula sa Barangay Quirino ang nagpasiklab ng talento at 3 grupo ang nag-uwi ng exciting na papremyo! Tampok din ang Sugod Barangay segment, kung saan tatlong pamilya ang nanalo ng isang taon na libreng internet at iba pang sorpresa mula sa Surf2Sawa.
At tulad ng nakagawian nating mga Fiberkads, nagkaroon pa rin ng mga libreng food carts, gupit, at masahe para sa lahat. Ang mga nag-avail naman ng Surf2Sawa sa araw mismo ng event, ay hindi na naghintay dahil instant ang pagkabit sa tulong ng Instant Connect promo ng BRGY S2S!
Tunay na walang-sawa ang saya, palaro at papremyo ng BRGY. S2S sa Quirino Elementary School. Ayon kay Mr. Dhing Pascual, Vice President at Business Unit Head ng Converge ICT, “Ang campaign na ito at ang MamaMo ang diwa ng Surf2Sawa: masigasig, makatao, at laging konektado. Dahil dito, naniniwala kami na mas marami pa kaming maaabot na pamilyang Pilipino, lalong lalo na ang mga modernong nanay na siyang kadalasang gumagawa ng mahahalagang desisyon sa loob ng tahanan”.
Para sa mas kumpletong impormasyon tungkol sa BRGY S2S at Surf2Sawa, bisitahin ang kanilang official website sa https://surf2sawa.com o i-follow ang kanilang official FB page: www.facebook.com/Surf2Sawa
0 comments